Matapos masungkit ang trophy at cash price ng dalawang season ng Gawad Digmaang Rosas na sinalihan namin ni bel, lumevel up ang aming paghahanap ng pagkakaperahan. Pamiyabe; Nanginginig at mainit-init na sampung libo DAW and premyo! yan ang nakarating na balita sa aming mga tengang matinik kapag salapi ang pinag-uusapan. So, ano pa nga ba ang ginawa nina BELOY? Odi piniga ang tuyong utak para makagawa ng mga kwentong isusubmit sa Pamiyabe 12 Regional Creative Writing Workshop (http://www.panitikan.com.ph/event/12th-pamiyabe-regional-creative-writing-workshop-call-submissions-deadline-extended-nov-18) ayan ang link baka sabihin niyo kwentong barbero ako. Grabe isang linggo na lang at wala pa kaming natatype na kwento. Old skool kasi kami, sulat kamay and rough draft tapos input sa computer na rerentahan namin, pareho kasi kaming walang mga computer sa bahay. Mabuti na lang at extended ang submission kung sakali eh hindi ako nag susulat ngaun dito! TUT. Anyway, so un na nga may mga title na ang mga kwento ko, short story pareho ang sa akin; Nagmamahal Aurang, Igpa Mi (Ama Namin) tapos si bel isang kwento palang ang naisusulat niya; Atlung Kilung Pambuk (Tatlong Kilong Nguso) writer’s block daw ang tawag dun. O sadyang katamaran lang mag isip. Kaya napilitan kaming mag combine force para sa paggawa ng isang tula (No time para sa isa pang short story) presto! may tula na si bel na pangumpleto sa entries niya na pinamagatang. . Nanu Pa Wari? (Anu Pa Nga Ba?) Oha ganda ng title nu? Pinag-isipan! Haha. Pagkatapos namin naitype, naipaprint(isang beses lang na edit, last two seconds pa) e nag fill up naman kami ng sandamakmak at pagkahaba habang registration form parang slum-book na ang mga questions pero todo sagot padin kami at pagkatapos nun, nag hanap naman kami ng mga professors sa literature na magpipirma sa mga recommendation forms namin. Take note! Not one but two professors! Natapos ang kalbaryo, nakapag pass kami. Isang taon ang lumipas, kasi Nobyembre 2011 kami sumali, Enero ng taong ito lumabas ang resulta. As usual kwentong pinoy akala namin hindi kami pumasok. Si kuya J.B kasi sinabi niya i-aanounce daw ng martes naghintay kami hanggang madaling araw ng miyerkules WALANG announcement na naganap! “ayos lang ‘yan atlis makakapag UDAYS tayo (sinabay kasi sa University Days namin ang 3days 2nights na workshop)” sabi ko kay bel. “Tsaka wala pa din naman ako nahanap na papalit sa duty ko.(Working student kasi kami pareho)” at pagkatapos nga noon tuluyan na naming binitawan ang pag-asang makamit ang tumataginting na SAMPUNG LIBONG PISO. sayang.

Nag kakaklase ako sa AVR1 tabi ng opisina ng aming pinakamamahal na skul president, pumasok at nang-istorbo ng klase si J.B at Kyla (Oh parang RNB singers lang eh nu?) at biglang nag pa. “excuse me maam, pwedi pong mag announce lang sandali??” aun nasa harapan na si J.B habang vinivideo siya ni Kyla, akala mo indie film eh. “Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito, ito ay dahil isa sa inyong classmate ang nagtangka at ngayo’y nagbunga na ang kanyang likha.” (Hindi un ang exact words niya pero parang ganyan ang tot) after niyang sinabi un nagpalipad siya ng eroplanong gawa sa yellow paper na nag-landing kay BUDOY (classmate ko na tinawag na budoy, kayo na lang bahalang mag-isip bakit) at eto ang striking line ni budoy. “AKO??!?” manghang mangha siya habang hinahawakan ang eroplano. “Hindi po, kay kaloytoots.” sabi ni J.B habang laughing trip ang classroom. Mabilis namang pinalipad ni Budoys ung eroplano na ehem! lumanding na ngayon sa paanan ko. Todo sa pagkagulat at saya binasa ko ang nakasulat wag na nating i-elaborate at baka umiyak kapa. Un tanggap daw ako. “Yes! Step closer to ten thousand!”

After class diretcho ako sa silid aklatan kung saan hindi ako mambabasa ng liwayway magazine oh tambay na nagpapa-aircon lang kundi isang student aid sa depository counter na nag lalabas masok ng ibat-ibang klase ng bag sa mga pigeon holes. (O diba bilib ka sa term nu? Ako din nung unang nalaman kong un ang tawag dun na amaze ako eh) Haha! Konting TRIVIA: bilang dalawang taon narin naman na akong nagtatrabaho sa DEPO. Pag maliit at susyalan ang bag malamang TOURISM students yan, kapag naman backpakna may nakausling triangle, t-square at mga ballpen na iba-iba ang point pusta ko ARCHI ang mga yan, kapag naman LV ang bag LV hindi “louis vuitton” kundi LUMANG VAG ung susyal na bag na medyo nakupasan na ng mantsa at may hawak na libro sa kamay kasi hindi na magkasya ang funac book nila sa LV surebol ACCOUNTANCY student yan idagdag mo pa ang nerdy reading glass! Kapag naman dumating si pong pagong habang may daladalang plastic bags, paper bags or eye bags tantsa ko EDUK yan na nag oobserve na kung saan, pero merong kapatid ang mga eduk kalapit building kumbaga si pong pagong na hindi plastik ang bitbit kundi lunchbox na clear see through. Kita mo ang mga gunting, tela at kung anu-ano pa para bang may tatahiing trahe de boda mga kaibigang NURSING naman yan, take note para kana dind nag gym kapag sila ang customers mo! Madami pang klase ng mga estudyante sa DEPO next time na lang ang iba. Balik sa topic. Nasa duty na nga ako, dumating ngayon si bel at nagtatanong kung may balita na ako sa RESULTS ng PAMIYABE. Hala! Hindi ata nakuha ang aking matabang kaibigan. Tsk. “Wala pa bui, tsk wag na natin asahan.” Patay! Napuno ang mukha niya ng Lumbay! “Papasok na ako, kita nalang tayo mamaya sabay tayo umuwi.” -bel

Alas otso na ng gabi uwian ko na pati si bel, humahangos, hinihika at hinahabol niya ang kanyang paghinga papunta sa kaharian ko ang depo. “Bui! Bui! May papakita ako! Nakuha ako!” habang kinakalkal niya ang LV niyang bag para kunin at ipakita sa akin ang eroplanong gawa sa yellow paper. “Sinurprise nila ako, agad ko tinanong kung nakuha ka, nakuha ka naman DAW ata hindi ka lang nila makita kya hindi ka masurprise ATA.” excited siya sa pagkwento na nakuha siya pero ramdam mo na malungkot siya dahil walang kasiguraduhan kung nakuha ako. “Ano papakita mo? Ganito?” sabay wagayway ko sa EROPLANONG gawa sa Yellow Paper!