Dahil daw sa “necessity” kung bakit nagsimulang magsulat si Sir Eros Atalia. ‘yan ang sabi niya sa amin kaya medyo nasabi ko “so pwedi pala talga ako maging manunulat?” Amazing!!! isang taunang competition sa pagsulat ng tula, maikling kwento at kung anu-ano ang Gawad Digmaang Rosas sa aming school publication at dahil nga mukha akong pera at matakaw kami ng aking partner na si bel eh, napagdisisyonan naming sumali. Swerte naman nakapasok kami pareho sa mga finalist, hindi namin expect ‘yon promise. At mas lalong hindi ko expect na si bel pa ang mananalo dahil nung oras ng awarding e pinagdarasal ko talaga na pangalan ko ang i-announce! Pero masaya parin ako dahil si bel ang nakauwi ng tumataginting na limang libong piso, at dahil ng partner kami lagi kaming 60/40 sa ano mang kompetesyong pagkakaperahan. Kaya umuwi ako noon ng masaya para sa kanya at may dalawang libo sa bulsa. 2010 ‘yon.

Dumating ang 2011 habang kinakabahan ang sambayanan sa pagdating ng “katapusan” DAW sa 2012 abala ako sa pagpiga sa tuyot kong utak para sa “Gawad Digmaang Rosas 2011” dahil nga title holder na si bel, hindi na siya pwedi pang sumali. Nasa akin lahat ng pressure, kung hindi ako makapagsusulat paano ako manananalo, at kung hindi ako mananalo sayang ang limang libo! Dumating ang deadline nakapag pass ako. (salamat sa brainstorming namin ni bel) ilang buwan ang lumipas, announcement week na sa mga finalists. Last night ng araw ng pag-aanounce. “Hindi ka napadalhan ng invitation?!!” tanong ni bel, para bang kasalanan kong wala pang surprise invitation na ipinadala ang angelite (skul pub namin). Umuwi akong wasak ang puso ko.

Kinabukasan bibili ako ng sachet ng shampoo kasi alas onse na ng hapon hindi pa ako nakaligo. 12:25 ang pasok ko. May tumawag sa cp ko, nagregister na pangalan GDR.

“Hello?!” habang nasa harap ako ng sari-sari store hawak ang palmolib.

“Mr. kaloytoot???

nasan po kayo??? bali hindi ka kasi namin makita kahapon kaya hindi ka namin na surprise pero pumasok mga entries mo sa TATLONG category. Daan na lang po kayo sa ofis para kunin ang invitation salamat. Congaratulation!!”

Nagtatatalon ako sa tuwa, pero mababang talon lang. Pero totoo pala ‘yong sa mga movies na pag sinagot ng leading lady ang manliligaw niyang lalake eh mapapatalon siya sa saya. Ganun ang nafeel ko nung oras na ‘yon. Fast forward natin ng konti ang kwento, nasa awarding night na kami. (Kami, dahil nga pumasok ako sa tatlong category pwedi ako mag sama ng dalawang makakasama) sinama ko si mama ko at syempre si bel. Medyo lumakas ang paniniwala ko noon na may maiuuwi akong salapi dahil nga tatlong banga ang pinasukan ng amateur kong mga likha. Namely: Maestro tula categori, Hello Hell fiction categori, at Digpan Ning Alti (Tinamaan ng Lintik) para sa Kapampangan categori, na siyang sinalihan naming categori ni bel noon dahil ito ang may pinaka malaking premyo. Nagstart na ang program, pakilala ng mga kung humusga at mga kasama kong participants, konting intermission number at pinakain na kami na isa sa dalawang rason kung bakit kami sumasali ni bel sa kung anu-anong mga contest; Libreng pagkain at PERA. Solb na ang mga bulati namin, bulsa nalang ang gutom. Unang categori na ang inanounce tula. Cesary Supsup!! “Grabe, tatlong libo din ‘yon. Tsk! May dalawa pang categori wag mawalan ng pag-asa” sabi ko sa sarili kong namamawis na pala kahit aircon ang Cafe Juan:venue. Next categori fictionist of the year is! (Drumrolls) walang drumrolls, ewan bakit. Pero nakakakaba sobra parang laban ni Pacman at kahit tahimik si mama at si bel sa tabi ko naririnig ko ang sigaw nila. CARLO! “Cesary Supsup!!” NANAMAN???!! ehem marami po kaming nangangailangan ng pera, siya lang ba ang anak ng Diyos?! feeling ko lahat ng finalists at kaibigan nila, ganyan ang sinabi. Six thousand na laman ng bulsa ni ms universe baka mabilaukan na siya ah! “Nakakahiya naman, tatlong categori pa naman ang napasukan ko tapos wala akong maiuuwi.” sabi ko kina mama. “Ayos lang yan bui(tawagan namin ni bel), nakakain naman tayo dito.” pampalubag loob ni bel. last categori… And this year’s kapampangan writer of the year is.

Tama ang hula mo, gusto ko mang gawin masaklap ang ending ng kwento eh sadyang happy ending ang nangyari ng gabing ‘yon. Nagtataka siguro si bel kung bakit may isang libo siya sa bag, habang umuwi naman akong may trophy at tumataginting na apat na libo. KURIPOT KO!! Hahaha TUT (TawangUmaapawTalaga)