Odi un nga, nagpintura ako ng bahay ng mga computer na pinapaupahan ng kuya ko. (medyo lumevel up siya) tapos habang nagpipintura todo monologue si papa kesyo ganito, kesyo ganun. Dapat ganun, dapat doon hanggang sinabi niya ang dahilan kung bakit ako nagsusulat ngaun. “Dapat pag nagpipinntura ka isang direksyon lang! Wala kang pupuntahan kung pa iba-iba ka ng direksyon.” -carmelito (tatay ko) tapos aun naisip ko tama naman siya, parang sa life pag madami kang liko minsan makikita mo na lang ang sarili mo na naliligaw ka na pala. Halimbawa: “this new year 2012, mag iipon ako kasi bibili ako ng pandesal” after a month nakita mo na mas masarap ang itsura ng monay so nag iba na ang plan mo, gusto mo na bumili ng monay, kaso habang nag kaclass ka nakita mo ang bagong tamagotchi ng classmate mo aun! Tamagotchi na ang gusto mo an so on and so forth wala na ang unang direksyon na pinili mo kasi masyado kang atat lumevel up. Diba pag nagpipintura ka gusto mo agad ng matapos kaya you tend to jump to the next level without finishing the one you’ve started ending; wala. Wala kang natapos. So lesson; “Dapat sa buhay isang direksyon lang! Wala kang pupuntahan kung pa iba-iba ka ng gusto at naiinip ka sa pagtapos ng mga naumpisahan mo dahil masyado kang apurado.” -kaloy