Adobo ang isa sa mga paboritong ulam at pagkain ng mga pinoy. At toyo ang pangunahing sangkap na nagbibigay buhay sa putahing ito. Kagaya ng pagmamahal na halos lahat tayo ay nakaka-relate. Pero sa tinagal tagal kong tao dito sa mundo natutunan ko na tiwala ang magbibigay buhay sa isang relasyon at ito din ang maaring maging sanhi ng pagkamatay nito. Maraming tao ang nagmamahalan pero marami sa mga ito’y nakalilimutan na kalakip ng gasgas na pag-ibig ay kasunod ang napakaraming responsibilidad na sangkap ng isang mabuting relasyon. Love is not love at all if you don’t trust the person you said you loved. Kagaya sa adobo, kung walang toyo hindi kailan man ito matatawag na adobo same thing sa love na kung walang trust hindi din matatawag na love. Parang “It’s giving your full trust to the person you know can break your heart but trusting him/her not to do it. (quote sa text yan wag mabilib) So next time you will love, try to put your full TOYO to them. ok.