Usong uso at laganap na laganap ngayon ang MU. Parang isang virus sa computer, tubig sa baha, at labada sa basket. Mabilis dumami.  Napaka dami ang pumapasok sa MAGULONG USAPANG ito na pati mga films and movies eh naimplowensyahan na gaya ng; No Strings Attached, Friends with Benefits at pati sa tagalog films! gaya ng nangyari kina Derek at Anne sa No Other Woman. Meron na ding Unofficial Love nina Angel at John lloyd. Mistulang dota ito na lahat ay naadik na at sumusubsob papasok sa ganitong set-up. MU, o mutual understanding ung tipong kayo pero hindi kayo. Hindi kayo pero parang kayo. Gulo no? Ako din naguluhan eh. Pero bottom line, ang MU ay napaka malabong usapan.