Araw ng linggo, dapat nasa simbahan ako o kaya nakikipag-bonding sa pamilya ko o kaya sa girlfriend ko? (ay single nga pala ako) -kaso HINDI.

Ang ibang kapit bahay naming university nag-reschedule ng exam kahit walang WELGA. Kami tuloy na tuloy at talagang ipinagpatuloy ang MIDTERM EXAMINATION kahit dinaanan kami ng bagyong MARING at pinaligiran at patuloy na pinaliligiran ng aming mga kawawang TEACHERS na sumisigaw ng STRIKE!!!

Magulo ang isyu ng strike sa amin. Kapag nasa loob ka ng campus ADMIN ang tama, kapag lumabas ka naman, makikita mo na mali ang sinasabi nilang tama. Gulo no?

At dahil sa mga kaguluhang nangyari, tatatakan kong isang makasaysayang MIDTERM EXAMINATION ang naganap.

Una - Masayang ang walang pasok (aminin natin ‘yon mga kapatid. ang mga naghugas kamay hanggang summer mag-aaral ng algebraic expression) kaso hindi na masaya kapag bungal-bungal na rin ang mga lessons!

Pangalawa - Ang hirap palang pumili ng papanigan kapag nagwelga ang mga teachers laban sa admin. Mas gusto ko na lang mag quiz araw-araw, peksman!

Pangatlo - Secret ito pero dahil mahal ko kayo aamin ako. Talamak ang cheating sa midterm exams ko, dahil narin sa mga pangyayari… ayun pati ako nangopya ng very very light. Baka kasi barilin ako sa Luneta kapag mismong proctor na ang nagsasabi ng mga formula e hindi ko pa pinansin o kaya’y sabitan ako ng medal bilang may pinaka malinis na papel kapag pinasa ko ang test paper ko na parang hindi gamit na bond paper sa kalinisan. Pero alam ko… MALI PARIN ANG LAHAT.
___


Dear school ko,

Sana mabasa mo ang blog post ko na ‘to at makita mo na ang isa sa mga good este student mo that you prepare for life ay naaapektohan na ng hindi good status ngayon ng iyong estalishment.

About these ads